Matteo Guidicelli Pairs Up With Maja Salvador in Basted

Pagkatapos ng Catch Me... I'm In Love, susunod na mapapanood si Matteo Guidicelli bilang bida sa pelikulang Basted, kung saan kapareha niya si Maja Salvador.

Ayon kay Matteo, two shooting days na lang at tapos na ang naturang proyekto na likha ng Skylight, ang digital production outfit ng Star Cinema.

Sa pelikulang ito, hindi ba siya nag-aalala na maaring muling lumabas ang mga usap-usapan tungkol sa umano'y espesyal na relasyon nila ni Maja?

Nakangiting tugon ni Matteo, "Hindi natin alam, baka sa future ma-develop or something. Pero for now, it's still in the process, processing..."

Ayon kay Matteo, hindi naman totoo ang mga nakaraang balita na niligawan niya si Maja. Gayunman, hindi niya itinanggi na, "Type ko siya."

Subalit tila hindi pa ito hahantong sa ligawan dahil para sa binatang aktor, "Concentrate muna sa trabaho. I worked with her and she's like an inspiration to me. Kasi, matagal na siya sa industriya and, you know, she helps me all the time. So, I always take my partner as my inspiration."

At bilang paglilinaw sa totoong relasyon nila ni Maja, ito ang sinabi ni Matteo: "Hindi naman ako [nanligaw] or anything, processing lang—processing friendship, closeness. We're really close friends."

Source: www.pep.ph