Matteo Guidicelli Happy to be Part of Sarah Geronimo-Gerald Anderson Movie

Hindi na naitago ni Matteo Guidicelli ang kanyang kasiyahan sa pagiging parte ng bagong pelikula nina Sarah Geronimo at Gerald Anderson, ang Catch Me... I'm In Love. Kaya naman paulit-ulit niyang binanggit na sobrang natutuwa siya at nakasama siya sa movie poster nito.

"Natuwa talaga ako kasama ako doon sa poster kasi maliit lang ang role ko," ilang ulit na binanggit ng dating car racing champ sa media junket na inihanda kahapon, Marso 23, sa Sentosa Restaurant, Tomas Morato, Quezon City.

Itinuturing din ni Matteo na pinakamagandang regalo ito para sa kanyang ika-21 na kaarawan sa Sabado, Marso 26.

"Itong movie, sobrang blessing. This is my first movie ever and kasama ko pa si Sarah, Gerald, and Direk Mae Czarina Cruz. Talagang natutuwa ako na kasama ko sila."

Dagdag pa niya, "You know, kahit kaunting eksena lang, I still gave my 100 percent [to my character]. I did what my director wanted me to do. So, sana nagustuhan nila."

Source: www.pep.ph