Hindi naman kaila na galing sa isang may kayang pamilya si Matteo Guidicelli Kung tutuusin, nakilala na siya bilang isang champion car racer bago pa sumabak sa showbiz. Pero ngayon, tila mas naitutuon na niya ang kanyang pansin sa showbiz kaysa sa car racing.
Ayon kay Matteo, nagustuhan na niya ang kanyang trabaho bilang celebrity. "What I wanna do talaga is to make people happy, to make people smile," aniya.
Hindi na bago para kay Matteo ang ganitong gawain dahil gustung-gusto niyang gumawa ng charity works. Bukod sa pagiging involved sa Habitat for Humanity, may tinutulungan din si Matteo na babaeng may kapansanan sa pagsasalita at pandinig para makapag-aral.
Kaya naman masaya siya na mapabilang sa noontime show na Happy, Yipee, Yehey! sa ABS-CBN.
Pahayag ni Matteo, "Happy, Yippe, Yehey! gives me a chance to reach out to less privileged people, to make them happy. 'Yong mga Pilipino, mga Kapamilya natin na wala ng hope sa buhay, wala ng pag-asa, wala ng pera, doon talaga sa Happy, Yippe, Yehey! nakikita namin ang saya, binigyan namin ng chance to revive their lives."
Ano naman ang nadarama ni Matteo sa tuwing nakapagpapasaya siya ng tao?
"Just to see them smile, and say thank you, blessing na talaga. It's a blessing to the heart. Masaya ang feeling, you can say na, 'Wow, I made them happy today, I gave these people hope.' 'Yon lang, simpleng bagay lang," tugon niya.
Bukod sa Happy Yipee Yehey!, mapapanood din si Matteo sa upcoming teleserye ni Kim Chiu na pinamagatang Binondo Girl.
Source: www.pep.ph