Mula sa camera at tungo sa hapag: ganyan ang drama ngayon ng mga pakikipagsapalaran ni Judy Ann Santos-Agoncillo sa kanyang pagbabalik sa TV. Pero ang challenges na kinakaharap niya, walang kinalaman sa pagiging aktres; bagkus, tungkol ang mga ito sa pagiging ina. Pagdating kasi sa pagpapakain sa anak niyang si Yohan, dumadaan siya sa drama, action, at romance—drama basta’t may iyakan dahil sa hirap minsan magpakain ng anak, action basta’t may sagupaan sa hapag sa pagitan ng nagpapakain at ng ayaw kumain, at romance sa tuwing inaakit ang bata ng paborito niyang pagkain gaya ng cheesedog.
Tila adventure na may paulit-ulit na episodes ang pinagdadaanan ni Judy Ann, at mayroon siyang mga katuwang para gampanan ang kanyang motherly role: ang asawa niyang si Ryan Agoncillo, na pangunahin niyang partner pagdating sa anumang may kinalaman sa pamilya; at Lactum, ang pangunahing milk brand na nagsusulong ng 100% nourishment para sa mga bata, kasama ng three balanced meals a day. Sila ang nagpapanatag sa kanya nang 100%. Ang sentimyentong ito, matutunghayan sa TV commercial ng Lactum kung saan gumanap ang mag-inang Judy Ann at Yohan. Bukod sa ang advertisement na ito ang magmamarka ng pagbabalik ng batikang aktres sa Philippine TV, ito rin ang magsisilbing hudyat ng pagpasok ni Yohan sa mundo ng pag-arte.
Bilang bagong 100% panatag mom at endorser ng Lactum, magsisilbing ambassador ng 100% nourishment ang aktres. At bukod sa pagiging ina, angkop na angkop din ito sa kanyang role bilang chef. Dahil mahalaga sa kanya ang kinakain ni Yohan, natututukan din niya ang nutrients na pumapasok sa katawan nito; kaya naman inalam na rin nang husto ni Judy Ann ang mga bahagi ng food pyramid na siyang batayan hindi lamang ng isang balanced meal kundi batayan din ng sustansyang nasa bawat baso ng Lactum bilang suporta sa tatlong balanced meals araw-araw.
Ang kinalakhan nating face of Philippine soap opera, is now a Lactum 100% Panatag Mom—at ang mukhang kilalang-kilala na natin sa TV at sine, siya na rin mismo ang kumikilala sa pangangailangang i-advocate ang pag-nourish sa mga bata. Nawa’y pakinggan ng kanyang fans ang kanyang mensahe hinggil sa pag-aalaga gaya ng pakikinig nila sa bawat salita ng kanyang dialogue sa mga teleserye’t pelikula.
Soure: www.abs-cbn.com