Enrique Gil on Handling Intrigues

Dahil nga sa magagandang opportunities at projects na nakukuha ngayon ni Enrique Gil, hindi tuloy maiwasang maintriga siya na diumano'y isa raw siya sa malalakas sa ABS-CBN ngayon. Ano ang comment niya rito?

"Hindi ko rin po alam kung bakit may ganung isyu," sabi niya. "Pero gusto ko lang pong linawin na lahat po ng projects ko ngayon, dumaan po muna ako sa auditions bago ko nakuha. Marami po kaming nag-audition at pabalik-balik po ako.

"Never po akong handpicked or pre-casted kaya hindi ko naman masasabi na naging malakas ako or whatever. Siguro po, right timing lang po. Nagustuhan ako ni Direk Lauren [Dyogi] sa Good Vibes at nagustuhan naman ako ni Direk Wenn [Deramas] sa Mula sa Puso."

May gusto lang din daw patunayan si Enrique, lalo na doon sa mga nagsasabing baguhan lang siya pero binibigyan siya agad ng malalaking projects. Gaya na lang nung natanggal siya bilang isa sa main hosts ng defunct yout-oriented variety program na Shoutout dahil sa negative comments sa kanya.

Dinamdam niya ba ito?

"At first, oo. Kasi I'm working hard naman," pag-amin niya. "So, ngayon, I just want to wark hard and to prove them wrong. Sana lang makita nila yung efforts ko ngayon. Sana they get to know me more."

May isa pa nga raw project sana si Enrique, ang Maria la del Barrio, bilang ka-love triangle ng mga bidang sina Enchong Dee at Erich Gonzales. Pero dahil nga sa conflict sa schedules ng taping ng iba niyang shows kaya kinailangan niyang bitawan ito.

Wala bang kinalaman ang isyu ng pagli-link sa kanila ni Erich kaya nawala siya sa Maria la del Barrio?

"Wala po, wala po. Conflict lang po talaga sa schedule," sagot ng binata.
Nanghinayang ba siya na hindi niya nakasama sa work si Erich?

"Sayang din kasi. Sana lang hindi sabay. Yun lang, sayang talaga. Pero okay lang naman po. Happy naman po ako sa Mula sa Puso at sa Good Vibes," sabi niya.

Source: www.pep.ph