Enrique Gil Believes Its Now His Time to be Given Lead Roles

Feeling blessed ang young actor na si Enrique Gil dahil bukod sa pagiging bahagi ng main cast ng early primetime soap na Mula sa Puso ay isa rin siya sa mga bida ng weekly youth-oriented drama na Good Vibes, na mapapanood na simula sa Linggo, April 3, pagkatapos ng ASAP Rocks sa ABS-CBN.

"It feels great. Super blessed. Thank you to ABS-CBN for the trust. Kaya work, work lang kahit pagod at walang tulog kasi kagagaling ko lang sa Mula sa Puso taping, e. Siyempre, hindi ko puwedeng palagpasin itong presscon ng Good Vibes," masayang sabi ni Enrique.

Na-interview si Enrique sa presscon ng Good Vibes na ginanap kahapon, March 29, sa The Lounge restobar sa Tomas Morato, Quezon City.

Ano ang feeling niya na naunahan niya pang magkaroon ng lead role ang ibang young actors na matagal na sa industriya?

"I don't want to put down anybody," sabi niya. "I believe na it's my time and siguro darating din yung time for them. Super happy po ako sa magagandang opportunities na dumarating sa akin ngayon."

Ginagampanan ni Enrique sa Good Vibes ang role ni Troy Cabrera na half-brother ng isa pang bida na si Sam Concepcion, na gumaganap naman bilang Marc Pedroza.
Sa story ay may conflict sa pagitan nina Enrique at Sam being half-brothers. Pero kumusta naman sila off-cam?

"Off-cam, nagtatawanan lang kami lagi, kuwentuhan, ganun. Minsan nga sasabihin sa amin, 'Stop laughing na,' ganun. We're good friends naman. Malayung-malayo sa roles namin na may conflict sa isa't isa."

Source: www.pep.ph