Enrique Gil Talks About Erich Gonzales and Enchong Dee

Enrique Gil talks about the intrgue that he is courting Erich Gonzales. "Nagugulat nga rin po ako. Wala naman pong something sa amin ni Erich. Siguro sa Shoutout po before, naging close kasi kami kasi nga Bisaya. Pero lahat naman kami doon close naman," ani Enrique.

Pero may communication pa ba sila ni Erich ngayon?

"Wala na. Dati meron. Pero now kasi, super busy na. Siguro magte-text kami pag hindi na masyadong busy."

Nanliligaw ba siya kay Erich?

"Hindi po," sagot niya.

Pero may plano siyang manligaw dito?

"Wala rin po sa ngayon, kasi sabi ko nga, sobrang busy rin po. Career po muna ang priority ko now. Yung how I will play the roles, kasi dalawa po yung shows ko. Kaya dapat pag-aralan ko yung roles ko mabuti. Kaya hindi ko po naiisip na manligaw ngayon."

Hindi ba siya ang sinasabi ni Erich na bagong inspirasyon nito?

"Hindi ko po alam. Hindi naman siguro."

Bakit may isyung lumabas na diumano'y nag-away raw sila ni Enchong over Erich?

"Hindi ko po alam," sagot ni Enrique. "Nung ASAP nga sa Cebu, nag-uusap pa kami ni Enchong. Hindi ko po alam kung bakit nagkaisyu ng ganun."

Magkaibigan ba sila ni Enchong?

"Opo, close po kami ni Enchong. Kasi sa Gigger Boys po kami nag-start."

May violent reaction ba siyang natanggap mula sa fans ng loveteam nina Erich at Enchong dahil sa isyu ng pagli-link sa kanila ng young actress?

"Wala naman po. Wala po akong na-receive kahit ano."

Wish pa rin daw ni Enrique sa makasama sa trabaho si Erich in the future. Pero sana raw pag dumating ang time na yun ay matanggap din sila ng mga fans.

Source: www.pep.ph