Zaijan Jaranilla on Wansapanataym

Malamang ay maraming naka-miss sa miracle boy na si Zaijian Jaranilla. Ngayong Sabado, mapapanood muli si Zaijian sa telebisyon sa kanyang pagganap bilang Elmer sa “Wansapanataym.”

“Nakakatuwa po yung karakter ko dito,” saad ni Zaijian. “Normal po ako na bata dito he he he pero madalas na inaasar,” dagdag ng batang aktor.

Ang kwento ng “Wansapanataym” sa Sabado ay iikot Kay Elmer. Si Elmer ay madalas asarin ni Boyong. Isang araw, may naawa kay Elmer na matandang babae na may kakaibang kapangyarihan. Ginawang maliit at lampang bata si Boyong. Sa nangyaring ito, nagkabalilktad na ang sitwasyon kaya naman nakagaganti na si Elmer kay Boyong. Tuluyan na bang magiging bully si Elmer?

Nang tanungin si Zaijian kung mapangasar ba siyang bata, agad na sagot ng miracle boy ay “Hindi po! Mapagbiro po minsan pero di po ako bully.”

Abangan ang pagbabalik ni Zaijian sa telebisyon at ang cute na kwento na hatid ng “Wansapanataym” ngayong Sabado sa ABS-CBN pagkatapos ng TV Patrol.