Sa bisperas ng Araw ng Palaspas, isang espesyal na episode ang handog ng ‘The Bottomline with Boy Abunda.’ Inaanyayahan namin kayong lahat na pakinggan ang nakaka-antig at nakaka-inspire na kuwento ng buhay ng “Miracle Kid” na si Fatima Soriano.
Ipinanganak si Fatima na may “retina degeneration” kung saan hindi siya nakakakita. Nagkaroon din siya ng “knocked knees”, isang kondisyon kung saan mababa ang calcium level niya at hindi siya nakakapaglakad. Tinamaan din siya ng kidney failure at sa murang edad ay sumailalim sa pagda-dialysis limang beses sa isang araw. Pero sa kabila ng mga karamdamang ito, hindi sinisi ni Fatima ang Diyos at hindi siya pinanghinaan ng loob.
Sa kasalukuyan, siya ang napisil na umawit ng themesong ng “100 Days to Heaven” na pagbibidahan nina Ms. Coney Reyes, Jodi Sta. Maria at Xyriel Ann Manabat. Ang “Mahiwaga” ay unang pinasikat ni Rico J. Puno.
Ngayong Sabado, ibabahagi ni Fatima ang ilan sa kanyang mga karanasan sa pakikipag-usap sa Mahal na Birheng Maria. Kahit bulag, madalas daw nagpapakita sa kanya si Mama Mary at inilalarawan pa niya ang imahe nito. Pati ang kanyang kakayahan at gift of healing ay ikukuwento rin ni Fatima kabilang na ang mga taong napagaling na niya at nabago ang buhay.
Pero bilang isang bata lalo pa’t malapit na siyang mag-debut, nakaranas na kaya siyang umibig at heartbreak? Hindi ba siya natakot sa responsibilidad at regalong nakuha niya mula sa Birheng Maria? Sa kabila ng mga nagaganap sa mundo, giyera at kalamidad, malapit na bang magunaw ang mundo? Ano ang sinasabi ng Birheng Maria tungkol dito? At ano ang kanyang panalangin para sa Pilipinas?
Lahat ng ito sa Holy Week special ng The Bottomline with Boy Abunda, Sabado ng gabi.