Bagamat hindi pa kumpirmado pero naibahagi ni Jose ang pagbibiro sa kanya ng Kapamilya Network lady big boss na si Charo Santos tungkol sa posibilidad na pagkakaroon nila ng show sa istasyon.
"Ewan ko kay Ma'am Malou (Choa-Fagar). Binibiro niya kami kanina na puwede niya kaming gawan ng solo ni Wally. Hindi na ako nakasagot e. Hindi ko alam kung nagbibiro siya o ano e. Pero sabi niya, totoo. Kakausapin raw niya si Mr. (Tony) Tuviera. Sana..."
Si Malou Choa-Fagar at Tony Tuviera ang may-ari ng TAPE, producer ng Eat Bulaga!
"Pero siguro nagbibiro lang. Pero yun ang sabi niya na puwede na raw kaming magsolo.
"Siyempre, depende pa rin sa manager naming si Ma'am Malou. Wala rin namang problema kung may offer sa amin na movie or TV show sa Dos," ang sabi ni Jose.
Kung sakali mang hindi totoo ang nasambit ni Ms. Charo Santos sa kanila, masaya naman raw sina Wally at Jose sa exposure nila sa Eat Bulaga! at sa pagsama-sama nila sa mga pelikula ni Bossing Vic Sotto.
"Hangga't nandiyan si Bossing, sidekick pa rin kami... Kung may chance na dadating... siguro matagal pa yun. Pero hanggang nandiyan si Bossing, nandiyan lang kami. Hindi mo na kailangang lumayo."
Payag na raw sina Jose at Wally na maging forever silang sidekick sa mga pelikula at TV show.
"Okey lang, okey lang. Mas mahirap yung magsolo ka, tapos, waley (wala) di ba? Mahirap sumugal. Hindi pa ganon kalakas ang loob namin," pagtatapos ni Jose.
Source: www.pep.ph