Sam Concepcion and Enrique Gil Nervous About Their First Lead Role in Good Vibes

Nagsimula na last weekend ang pinakabagong weekly youth oriented show na hatid ng Kapamilya network, ang Good Vibes. Pinagbibidahan ito ng dalawa sa pinaka-talented male young stars ngayon na sina Enrique Gil at Sam Concepcion. Matatandaan na huling nagkasama ang dalawa sa Shoutout na isang youth oriented show din kamakailan.

Masayang-masaya sina Enrique at Sam dahil sila ang napili at nabigyan ng chance na magbida among others na kasabayan din nila. Ano kaya ang roles ng dalawa sa nasabing serye? “Ako si Troy Cabrera, half brother ni Sam Concepcion, laki siya sa hirap and nahuli siyang nagho-holdap kaya he was forced to live sa family ni Sam. Yung real father niya si Dominic Ochoa, doon magka-clash yung relationship namin ni Sam,” pahayag ni Enrique.

“Ang role ko dito si Mark Pedrosa and he’s basically a young achiever. Mabait siyang bata sa magulang niya and he’s the team captain of the school’s dance team,” pahayag naman ni Sam.
Kakaiba ang serye dahil hindi lang ito basta drama kundi mapapanood din natin ang cast na magpakitang gilas sa pagsasayaw. May mga powerful dance numbers din na ipakikita sa show. Bukod kina Enrique at Sam ay kasama rin dito si Arron Villaflor at ilang PBB (Pinoy Big Brother) teen stars. Iba’t ibang genre ng sayaw daw ang kanilang ipamamalas dito, mula hiphop, jazz, lyrical at marami pang iba.

Maraming kapana-panabik na eksena ang dapat nating abangan tuwing Linggo ng hapon sa Good Vibes.

Source: www.push.com.ph