Patuloy ang pamamayagpag ng mga Kapamilya shows sa iba’t ibang panig ng mundo.
Kabilang na rito ang pinaka-pinaguusapang noontime show na Happy Yipee Yehey! at ang mga teleserye sa Primetime Bida tulad ng Minsan Lang Kita Iibigin at Imortal ng ABS-CBN.
Kaya naman bilang pasasalamat ng Kapamilya Network sa patuloy at nag-uumapaw na pagsuportang ito, buong-pusong inihahandog ng ABS-CBN Regional Network Group (RNG) ang Kapamilya Karavan, tampok ang mga pinaka-sikat na Kapamilya stars na sina John Prats ng Happy Yipee Yehey!, Coco Martin ng top-rating na Minsan Lang Kita Iibigin, Maricar Reyes ng Imortal, Kapamilya hunk Ron Morales at ASAP mainstay Erik Santos, bilang pakikiisa sa taunang Paanad sa Negros sa Abril 9, Sabado, 8p.m., sa Panaad Stadium, Bacolod City.
Handang-handa na ang lima upang magbigay ng kasiyahan sa mga Kapamilyang walang sawang sumusuporta sa Kapamilya Network. Mula sa araw-araw na pagbibigay-saya’t papremyo sa Ikaw Ang Bida ng Happy Yipee Yehey!, magiging abala naman si John sa paghahandog ng umaatikabong Kapamilya Karavan performance para lang sa mga Negrense. “Excited na akong maki-party sa kanilang lahat. Alam kong sobra nilang sinusuportahan ang show namin, kaya nandito kami para mag-thank you sa kanilang lahat at masuklian din yung pagmamahal na ibinibigay nila sa amin,” ani John.
Si Maricar naman ay masayang-masaya dahil muli siyang napabilang sa Kapamilya Karavan. Nababalitaan niya ang araw-araw din ang pagtutok ng mga taga-Negros sa Imortal,lalo na ang mga rebelasyon ng kanyang karakter. “Mahilig ako sa mga ganitong celebrations. Nakikita ko kung gaano kayaman ang culture ng Pilipinas at gaano ang pagiging masiyahin ng mga taga-Bacolod," pahayag ni Maricar.
Sa malaking event din na ito nais pasalamatan ng ABS-CBN ang mga Kapamilyang Negrense sa walang-sawang pagsuporta ng mga ito.
Tara na’t makisaya sa Kapamilya Karavan sa Panaad sa Negros sa Abril 9, 8 p.m. at Panaad Stadium, Bacolod City. Ang ABS-CBN Regional Network Group (RNG) ay buong taong makikisaya sa masasaya’t makukulay na kapistahan sa bansa.
Source: www.abs-cbn.com