
“Nakakatuwa po talaga kapag summer kasi wala na pong pasok at pwedeng-pwede na po maglaro,” pahayag ng pinakabagong Bulilit at SCQ Grand Questor na si Brenna Peñaflor
Si Clarence Delgado naman, tropical fruits na in na in ngayong summer season ang gustong lantakan. Aniya, paborito niya ang manggang hinog, saging, pinya at iba pang matatamis na prutas. “Sabi po kasi ng mommy ko mas ok na kumain ng fruits kaysa junk food. Eh paborito ko naman po talaga ang mga fruits. Favorite ko din po ang halo-halo at fruit shakes,” ani Clarence.
Samantala, walang-humpay na katatawanan ang ihahatid ng mga Goin’ Bulilit kids sa kanilang summer getaway special sa Amana Water Park Resort ngayong Linggo, pagkatapos ng TV Patrol Weekend sa ABS-CBN. Opening pa lang ay siguradong purong katatawanan sa kanilang sariling bersyon ng Happy Yipee Yehey! theme song.
Siguradong purong ka-cute-an at kakwelahan din ang hatid ng mga Bulilits kanilang mga gag jokes at spoof segment na “Check, Chek, Chek”. Kapana-panabik na games and activities ang kanilang handog.
Umaapaw na summer sorpresa ang hatid ng ika-6 na taon ng Goin’ Bulilit kaya huwag palampasin ang ngayong Linggo, pagkatapos ng TV Patrol Weekend.
Source: www.abs-cbn.com