Ang paggunita sa Araw ng Kagitingan ay isa sa mga pinakamahalagang araw para sa mga Pilipino. Ito ang araw kung saan ginugunita ang katapangang ipinamalas ng mga Pilipino noong tayo’y nasa kamay pa ng mga dayuhang mananakop. Kaya naman tuwang-tuwa at sobrang excited ang mga Bulilits na i-portray ng mga roles bilang mga magigiting na sundalo’t health workers sa espesyal na episode ng Goin’ Bulilit ngayong Linggo, pagkatapos ng TV Patrol Weekend.
Ang mga kwelang-kwelang sina Miguel de Guzman at Angelo Garcia ay proud na proud sa kanilang role bilang sundalo. Inamin ng mga Bulilits na minsan ay pinangarap din nilang maging sundalo.
“Super cool at astig po talagang maging sundalo. Para po silang mga super heroes na walang mga powers pero nililigtas po nila yung mga tao sa danger, pati na rin sa mga kalaban.” Angelo
Hindi naman magpapahuli ang mga girls sa kanilang mga cute na cute na costume bilang mga health professionals. Si Cha-Cha CaƱete na-enjoy ang pagsuot ng nurse costume, lalo’t feeling niya ay marami siyang nasasalbang buhay ng mga tao.
“Siguro masarap din po maging totoong nurse kasi nakakatulong po sa mga taong may sakit,” pahayag ni Cha-Cha
Samantala,purong katatawanan ang handog nina Angelo Garcia at Alexa Ilacad sa kanilang opening number na “Walang Natira.”
Siguradong ka-cute-an at kakwelahan din ang hatid ng mga Bulilits. kaya sasakit ang inyong mga panga sa kakatawa sa kanilang segment na “Payabangan ng Barangay Tanod”. Kapana-panabik na games and activities ang kanilang handog.
Talagang umaapaw ang sorpresa na hatid ng ika-6 na taon ng Goin’ Bulilit. Huwag palampasin ngayong Linggo, pagkatapos ng TV Patrol Weekend sa ABS-CBN.