Lt. Col. George Rabusa on The Bottomline

Mauupo sa hotseat at sasagutin ng dating Armed Forces of the Philippines Budget Officer na si Lt. Col. George Rabusa ang pinaka-mainit na corruption controversy na bumulabog sa AFP. Hihimay-himayin ng nag-iisang King of Talk na si Boy Abunda ang isyung “pabaon” at “pasalubong” diumano sa dalawang AFP Chiefs of Staff ngayong Sabado sa “The Bottomline.”

Haharap sa matitindi at matatapang na katanungan ng Bottomliners si Rabusa. Ano nga ba ang tunay niyang motibo sa pagsisiwalat niya ng corruption sa AFP? Ano ang tugon niya sa mga mga taong nagsasabing isa siyang bayani at sa iba nama’y wala siyang kredebilidad? Ano ang kahulugan ng pagiging isang tunay at tapat na kaibigan? Totoo bang nagkaroon siya ng marangyang pamumuhay at diumano’y naging galante sa mga taong nakapaligid sa kanya noong siya ay nanunungkulan bilang Budget Officer? Ano ang dahilan ng kanyang pagbagsak? May plano ba siyang tumakbo sa senado?

Wag palalampasin ang “The Bottomline with Boy Abunda” pagkatapos ng primetime telecast ng Banana Split sa ABS-CBN.