Noong Sabado ay pinahanga tayong lahat ni KC Concepcion sa kanyang magaling na pagganap bilang si Angeline Quinto sa Maalaala Mo Kaya. Sobrang tuwa at honored naman ang Star Power first female superstar sa ginawa ni KC. “Nagpapasalamat ako kay ate KC, malaking karangalan po iyon sa akin, isa siya sa mga idol ko. Sobrang galing, talagang parang sobrang naramdaman ko yung mga nangyari. Parang nag-flashback sa akin, masayang-masaya ako. Hindi naman ganun ang itsura ko, KC Concepcion, ang ganda-ganda,” nakangiting pahayag ni Angeline.
Masuwerte talaga ang dalaga dahil napiling gamitin ng teleseryeng Maria La Del Barrio bilang theme song ang kanyang kantang “Patuloy Ang Pangarap” mula sa kanyang self-titled album. Ito yung kinanta niyang original composition by Jonathan Manalo noong Grand Finals ng Star Power. “Iyon ang isa sa theme song ng Maria La Del Barrio, natuwa talaga ako, at noong narinig ko di ko alam na ako. Akala ko ay may ibang kumanta, kaya tuwang-tuwa ako nang malaman kong ginamit palang theme song iyon,” dagdag pa ni Angeline.
Bukod sa pagkanta ay gusto na rin daw subukan ni Angeline ang pag-arte at mayroon siyang mga gustong maging leading men. “Tatlo po kasi iyon, kaya lang ay kay ate KC na na yung isa (Piolo Pascual) kaya dalawa na lang. Si Gerald Anderson at Coco Martin, si Gerald sobra akong natutuwa sa kanya nang first time naming tiga-Star Power sa ASAP. Natuwa ako sa pagbati niya sa amin, siyempre sikat na sikat si Kuya Gerald, siya po yung unang nag-approach sa akin. Si Coco naman po, na-meet ko po siya sa isang hotel, parang nakita ko rin yung sarili ko sa kanya. Tahimik po siya, parang mahiyain din parang ako,” kuwento ng singer.
Source: www.push.com.ph