Puppeteer Wows Pilipinas Got Talent Judges

arang mga bata sa children’s party na naaliw ang mga huradong sina Kris Aquino, Ai Ai Delas Alas, at Freddie M. Garcia sa ipinamalas na puppet act ni Kim Tenorio noong Linggo (July 31) sa nangungunang talent-reality show sa bansa na “Pilipinas Got Talent.”

Tuwang tuwa nga ang Big Three judges habang pinapasayaw ni Kim ang kanyang dwarf puppets sa saliw ng tugtog na “Waka Waka.” Walang pagaalinlangang ibinigay nila ang kanilang boto kay Kim kaya naman aabante na ang 35 taong gulang na puppeteer sa susunod na round. Siya na kaya ang tatanghaling grand winner?

Ngayong season three, halos 80 siyudad at munisipalidad sa bansa ang personal na pinuntahan ng PGT para maghanap ng natatanging Pinoy acts. Tunghayan ang lahat ng ito sa “Pilipinas Got Talent,” kasama sina Luis Manzano at Billy Crawford bilang hosts, tuwing Sabado, 9 PM, at Linggo, 8:30 PM sa ABS-CBN.