Kids Show Talent on Pilipinas Got Talent Season 3

LEVEL UP na ang mga ipinapakitang talents ng mga Pinoy sa Pilipinas Got Talent kabilang na ang mga bata.

Pinatunayan ng kid auditionees at parehong pitong taong gulang na sina Dustin Mariano at Ivan Richard Catubig na may ibubuga pa ang mga kabataan bukod sa nakagawiang acts.

Ipinamalas ni Dustin ang kanyang fire dancing skills habang nangmangha si Ivan Richard sa magic tricks.

Aabante na ang dalawa sa susunod na round ng kumpetisyon.

Isa na kaya sa kanila ang susunod at tatangha­ling unang kid grand winner?

Ngayong season three, halos 80 siyudad at munisipalidad sa bansa ang pinuntahan ng PGT para maghanap ng natatanging Pinoy acts.

Tunghayan ang mga ito sa Pilipinas Got Talent tuwing Sabado nang 9:00 PM, at Linggo nang 8:30 PM sa ABS-CBN.