Fake Unleaded Gasoline Exposed on XXX

Mga mandaraya sa isang gasolinahan sa Laguna na umano’y nagbebenta ng pekeng premium gasoline sa kanilang mga customer ang titiktikan ni Julius Babao ngayong Lunes (Agosto 15) sa “XXX.”



Ekslusibong nakunan ng programa ang sinasabing pagma-magic ng unleaded gasoline na hinahaluan ng isang kemikal at sa isang iglap ay nagmumukha nang premium gasoline.



Mas mahal ang benta sa merkado ng premium, kung kaya’t walang takot na nanloloko ang mga ito.



Samantala, tututukan ni Pinky Webb ang aborsiyonistang nagpapanggap na hilot at isisawalat ni Anthony Taberna ang kabalastugan at ang pagawaan ng pekeng health permit sa Pasay.



Panoorin ang “XXX” ngayong Lunes (Agosto 15) pagkatapos ng “Bandila” sa ABS-CBN.