Will Via Fall for Thaddeus on Mula Sa Puso

Unti unti ng napapalapit si Via (Lauren Young) sa kanyang bodyguard na si Thaddeus (Alex Castro) lalo pa’t kakampi niya ito sa pagkuha ng ebidensya laban kay Selina (Eula Valdes).

Matagal tagal na ring nalalayo si Via kay Gabriel (JM De Guzman) dala ng kanyang pagpapanggap at si Thaddeus ang palaging nasa tabi niya. Madarang kaya si Via sa tukso at umibig kay Thaddeus? Tuluyan na rin kayang mahulog ang loob ni Gabriel kay Kate (Charee Pineda)? Pakatutukan ang ”Mula sa Puso,” Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng ”I Dare You” sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Sundan ang official Twitter account ng programa sa http://twitter.com/mulasapuso2011 at ang official Facebook page sa http://facebook.com/OfficialMSP2011.

Kung mayroon kang SkyCable Digibox iRecord, maari mo itong i-set tuwing Lunes hanggang Biyernes, 5:45 PM sa ABS-CBN. Para sa mga update sa inyong pabortiong Kapamilya stars at shows, mag-log on lamang sa http://www.abs-cbn.com o sundan ang ABS-CBN sa Twitter via http://twitter.com/abscbndotcom

Source: www.abs-cbn.com