Para kanino nga ba ang Philippine Charity Sweepstakes Office?
Iyan ang tanong na gumimbal sa bayan matapos mapagalaman na ginamit ang pondo ng PCSO upang ibili ng mamahaling sasakyan ang pitong Obispo noong panahon ni dating Pangulong Arroyo.
Ngayong Martes (Hulyo 19), samahan si ABS-CBN correspondent Kiko Faulve sa kaniyang pagtungo sa mga komunidad na sakop ng ilang sa mga Obispong dawit sa eskandalo. Alamin kung paano hinaharap ng mga Obispo at ng kanilang pamayanan ang isyu sa mga sasakyang anila’y ginagamit nila sa mga pangkawang-gawang proyekto.
Sa kabilang banda, pupuntahan naman ni ABS-CBN correspondent Nico Baua ang tatlong mahihirap na komunidad sa Metro Manila na ilang taon na raw humihingi ng tulong para magka-ambulansya ngunit hindi pa rin mabigyan hanggang ngayon.
Ano nga ba ang pamantayan ng ahensya para mabigyan ang isang requestor ng kanilang hinihiling? Totoo bang may palakasan sa sistema ng paglabas ng mga pondo o anumang tulong mula sa PCSO?
Abangan ang mga sagot sa “Patrol ng Pilipino,” Martes (Hulyo 19), pagkatapos ng “Bandila” sa ABS-CBN.