Is Sam Concepcion and Coleen Garcia's Closeness Making Enrique Gil Jealous?

Usap-usapan ngayon ang totohanang pagbabanggaan ng “Good Vibes” teen heartthrobs na sina Enrique Gil at Sam Concepcion. Si Enrique kasi and dating boyfriend ng co-star nilang si Coleen Garcia, na nail-link ngayon kay Sam.

Sa pagpapahayag ni Sam kamakailan lang na handa na siyang magka-girlfriend, indikasyon kaya ito na pinopormahan na niya ang ex ng kaibigan?

Kuwento naman ni Coleen, may “nakaraan” na rin sila ni Sam. Nagkakasama na raw sila dati pa sa mga show, si Sam bilang singer, at siya naman ay modelo.

“Nagkatrabaho na kami nung mga bata pa kami, mga nine years old. Pero hindi naman kami nakakapag-usap noon,” pagbabahagi niya.

Sa “Good Vibes” daw silang naging magkaibigan at hindi nagtagal ay naging close sa isa’t isa.

“Lahat naman kami sa GV naging close. Pero mula noong nag-start na ang taping, naging mas close kami kasi pareho kaming mahilig makipagkulitan,” aniya.

Pero hindi naman daw maihahambing ang relasyon nila ni Sam sa totoong buhay sa kanilang ginagampanan sa telebisyon.

“Sina Monique and Marc, napaka-emosyunal nang relasyon bilang dating mag-on. Ako kasi, masayahin akong tao. Kaya sinisigurado kong magaan lang ang pakiramdam pag kasama ko si Sam. Bawal ang negativity, dapat palaging positive,” paliwanag niya.

Samantala, kung tikom ang bibig ng dalawang lalaki sa isyu, totoong magkaka-hamunan naman ang mga karakter ng dalawa sa mas lalo pang gumagandang youth-oriented program na “Good Vibes.”

Sa hindi sinasadyang pagkakataon, muling magtatagisan ang grupo ni Marc (Sam) at Troy (Enrique) sa isang dance contest. Sa kagustuhang maibalik sa dati ang nabuwag na grupo, uudyokin ni Marc ang mga kaibigan sa Sinagdiwa na sumali sa Pilipinas dance challenge.

Pero bago pa man sila nakalalagpas ng audition, problema kaagad ang kakaharapin nila dahil lalaban din pala sa contest na ito ang grupo ni Troy na Bustamoves. Ito ang magiging ugat ng hidwaan sa pagitan ng magkapatid sa ama, lalo na’t isa sa Sinagdiwa ang nais sumanib kina Troy. Ito si Geleen (Linn Oeymo), ang nililigawan ni Troy.

Samantala, magde-desisyon na rin si Troy tungkol sa estado ng relasyon nila ng best friend na si Maribeth, gayundin si Marc at ang dating girlfriend na si Monique (Coleen Garcia). Pati si Franco (Arron Villaflor) ay susubukang maibalik ang dating pagkakaibigan nila ni Marc, matapos siyang mabuking na nakikipag-relasyon sa ate ng kaniyang best friend.

Abangan kung saan hahantong ang mga kapana-panabik na tagpong ito ngayong Linggo (Hunyo 26), pagkatapos ng “ASAP ROCKS” sa ABS-CBN.

Maging updated din sa cast at sa programa, maki-GV na sabhttp://goodvibes.abs-cn.com/, www.twitter.com/goodvibes_crew at www.facebook.com/GVcrew.