Happy Yipee Yehey! Celebrates Fathers Day

Father’s Day special sa “Happy Yipee Yehey!” ngayong Sabado, tatlo sa mga hosts ng programa ang maituturing na ulirang ama—sina Randy Santiago, John Estrada at Bentong.

Opening number pa lang ay tiyak na swak na swak na talaga para sa mga Kapamilya nating tatay dahil umaatikabong performances ang regalo ng mga hosts na sina Randy, John, Mariel Rodriguez at Toni Gonzaga. Makikisayaw din ang napakagandang maybahay ni John na si Priscilla Mereilles.

Kung sexy divas lang din naman ang hanap ng mga haligi ng tahanan, andiyan sina Pokwang, Melai Cantiveros at Kiray, o mas kilala sa tawag na “Pomeray.” Ngayon ang kanilang leading men ay ang mga pinagpipitaganang jukebox kings na sina Jerome Abalos, Renz Verano at April Boy Regino.

Hahataw naman sa “Wacky Waka” ang “Banana Split” boys na sina Ryan Bang, Jason Gainza, Manuel Chua, Jobert Austria, at siyempre si Pratty. Lahat sila ay magpapagalingan sa pagpapakita ng hottest dance moves.

Upang bigyang-pugay naman ang mga ulirang ama sa “Happy Yipee Yehey!,” mga sorpresa at iba’t ibang regalo ang hatid ng kanilang pinakamamahal na mga anak. Abangan!

Walang patid na kasiyahan ang hatid ng pinaka-masayang kabarkada sa tanghali, kasama sina Randy Santiago, John Estrada, Mariel Rodriguez, Toni Gonzaga, at Pokwang, at sina Bianca Manalo, Melai Cantiveros, John Pratts, Bentong at Matteo Guidicelli.

Huwag palampasin ang Happy Yipee Yehey! na araw-araw nang mapapanood mula Lunes hanggang Sabado, pagkatapos ng Showtime sa ABS-CBN. Bida Best Kapamilya!