AJ Perez Supposed to be Part of Maria La Del Barrio

Noong nasa Boracay si AJ Perez ay bigla siyang ipinatawag ng handler niya dahil makakasama pala sana siya sa serye nina Erich Gonzales at Enchong Dee sa ABS-CBN—ang Maria La Del Barrio.

Akala nila ay hindi na matutuloy ang project na yun for AJ. Kukunan sana sila ni Enchong ng eksena, pero dahil biglaan at kasalukuyang nagbabakasyon ang bagets sa Bora kaya hindi ito nakauwi.

Isa si Enchong sa mga ka-close ni AJ sa Gigger Boys, ang all-male group na binuo ng Star Magic at regular na nagpe-perform sa ASAP Rocks.

Iyak nga raw nang iyak si Enchong nang malaman niyang patay na ang kaibigan. Pinapunta pa ng young actor ang mother niya sa burol ni AJ para makiramay dahil nasa Star Magic Tour pa ito sa U.S.

Bukod kay Enchong, sina Chris Gutierrez, Sam Concepcion, at Dino Imperial ang super close kay AJ.

"Nagulat nga ako dahil marunong na pala siyang magsigarilyo," nakangiting kuwento ni Daddy Gerry.

Nagtawanan na lang nang tanungin siya kung sino sa mga Gigger Boys ang nang-influence kay AJ.

Kuwento pa ni Daddy Gerry, sinabihan niya si AJ na gumawa ng effort at magsipag sa Twitter para i-promote ang kanyang Maalaala Mo Kaya episode na ipapalabas sa April 30.

Biggest role ito ng young actor pagkatapos niyang maging leading man sa seryeng Sabel.

Aware kasi sila na highest-rating ng MMK ang life story ni Jovit Baldivino.

"Hindi ka controversial kaya mag-campaign ka sa Twitter," sabi pa raw ni Daddy Gerry kay AJ.

Ang nakakalungkot nga lang, ipalalabas sa Sabado ang naturang episode na wala na ang young actor.

Hindi naman alintana ni Daddy Gerry kapag binibiro siyang "stage father." Nandiyan lang daw siya para protektahan ang kanyang anak.

Source: www.pep.ph