Minsan pang nanaig ang nagkakaisang damdamin ng pagmamahal at magandang pag-aalaala para sa namayapang aktor na si AJ Perez—o Antonello Joseph "AJ" Sarte Perez—kagabi, April 25, sa huling pagkakatipun-tipon ng kanyang mga mahal sa buhay upang magbigay ng huling pagpupugay sa mahal na yumao.
Nasa Christ The King Chapel sa Green Meadows Subdivision, Pasig City, ang pamilya ni AJ—his dad Gerry, mom Marivic, and younger brother Gello Perez—at mga kamag-anak. Nandun din mga kasamahan ng 18-year-old actor sa Kapamilya network, kabilang ang executives ng ABS-CBN network na sina Cory Vidanes, Linggit Tan, Deo Endrinal, adprom manager Roxy Liquigan, director Don Cuaresma (ng teleseryeng Sabel na huling tinampukan ng young actor katambal ang baguhang young actress na si Jessy Mendiola, na dumalo rin sa wake), mga miyembro ng Gigger Boys (kabilang sina Sam Concepcion at Aaron Villaflor).
Ang unang bahagi ng wake kagabi, dakong alas-nuwebe, ay para sa necrological services na inihanda ng buong batch ng La Salle Greenhills High School Batch 2011, na kabilang si AJ bilang alumnus.
Kabilang din dito si Steph Ayson, na girlfriend ni AJ sa panahon ng kanyang pagyao.
Natapos ang maikling necrological rites bago mag-10:30 ng gabi.
Kabilang din sa mga namataan ng PEP sa burol ang aktres na si Daria Ramirez, Joseph Marco, Albie Casiño, Dra. Vicki Belo and daughter Cristalle Henares, Duncan Ramos, Sarah Lahbati and Steven Silva (ng Kapuso network), at Bangs Garcia.
Bago maghatinggabi ay inaantabayanan ng ABS-CBN News Team ang pagdating ng mga Kapamilya stars na kabilang sa Star Magic, mula sa kanilang US Tour. At lagpas hatinggabi nga ay dumating sina KC Concepcion at Sam Milby, at ang chairman emeritus ng Star Magic na si Johnny Manahan.
Samantala, sa entertainment news segment ng Bandila kagabi, naisahimpapawid ang ilang pahayag ng pakikisimpatiya sa mga naulila ni AJ—mula kina Eugene Domingo at John Lapus, na co-stars ni AJ sa tinampukang pelikulang Mamarazzi; kay Fatima Soriano, na unang nabanggit na pag-aalayan ng mga mata ni AJ pero hindi natuloy dahil sa ilang kadahilanan; at Daniel delos Santos, ang batang siyang tatanggap ng isang cornea ng namayapa. Nasa wake kagabi ang batang si Fatima.
Ngayong araw, April 26, ang paghahatid kay AJ sa kanyang huling hantungan sa Manila Memorial Park sa Parañaque City.
Nagsalita si Steph Ayson, ang naiwang girlfriend ni AJ Perez, sa huling burol nito. Banayad sa kanyang pagsasalita, pero madamdamin ang kabuuan ng mga naipahayag ni Steph patungkol sa kanyang yumaong kasintahan. Sa ilang anecdotes ni Steph tungkol sa naging relasyon nila ng young actor, masasalamin ang pagiging romantiko at likas na pagkadisente ni AJ bilang mangingibig.
"First time I met him was December 17, 2007," recalled Steph.
Mapapansing sadyang may kaukulang significance ang numerong '7' at '17' sa buhay at pagkatao ni AJ Perez.
Isinilang siya noong February 17, 1993 at namatay dahil sa isang vehicular accident sa Moncada, Tarlac, noong madaling-araw ng April 17, 2011.
Patuloy pa ni Steph, noong mga unang araw ng pagkikilala nila ni AJ, "I was planning to look for a group, for a tour...and I had to get him to join the dating game. Pero ang nag-end up, kami yung nag-date. It was actually unexpected.
"He asked me to be his girlfriend on February 14 [2008]. Cheesy, but... that's AJ!" pagbanggit pa ni Steph. She also admitted that very moment na she was standing in front of their batchmates, "At this time, my emotions were screaming! And I wanted to hug him! He [AJ] wanted to promise me the world, but I asked him not to," Steph's voice started trembling as she spoke. "'Cause I was too afraid to [get] hurt. But he promised, anyway. And he kept each of them... I admitted I was having a difficulty, but he showed me that he knows what that means..."
Sa pagre-recall ng mga nagdaan sa kanilang relasyon, mahapdi man sa kanyang damdamin, nanaig ang kontrol sa sarili at hindi nag-breakdown si Steph. By that, she had proven that that AJ in his young lifetime had affections for a very sweet young ladylove.
Banggit pa rin ni Steph, "The thing that we worked on [in our relationship]... AJ was the one who first expected [confidence in me]; and I was asking myself, 'Do I play my usual confident game, or do I quit back?'
"My mom said, first time, 'play with it!'" At nag-elicit ng nakakatuwang reaksiyon sa mga dumalo ang sinabing ito ni Steph.
Nang tawagin ng LSGHS Batch 2011 moderator ang pamilya ni AJ para sa kanilang pananalita, si Mr. Gerry Perez na lamang ang nagbigay ng maikling pahayag ng pasasalamat. Pero magkakatabi ang mag-anak na tumayo sa harap ng mga kaklase at batchmates ni AJ.
"In behalf of our families, her family [Marivic Sarte Perez], and relatives, we'd like to express our warmest and sincere thank you to all who came and... Once again, in behalf of my family, and from the bottom of my heart, thank you... thank you!"
Sa mga testimony ng batchmates ni AJ, tulad din ng mga naipahayag ng mga naging kasamahan ng young actor sa showbiz, may nagkakaisang patunay ng kabutihan at kagandahang-asal ng young actor.
And that makes his fellow La Sallalians—o ang alumni ng La Salle Greenhills High School (Batch 2011)—truly proud. Sa kasalukuyan, ang De La Salle University o DLSU—kabilang ang La Salle Greenhills High School, a sectarian private educational institution—ay nasa pamumuno ni Fr. Armin Luistro, FSC.
"To be a La Sallian, he gave a performance in his short life, during his time. His performance in life is something that is very important. That is how he lived—as a La Sallian gentleman. By his simple works, AJ performed a lifetime that pleased all of us. AJ touched all of us. That's why we are all here," wika pa ng moderator.
The moderator then requested everybody "to please give this young man an applause for a performance of 18 years...that had touched your hearts, our hearts, all of us!
"Bigyan po natin si AJ ng round of applause," aniya pa, na sinundan ng masigabong palakpakan mula sa mga nagsidalo. "C'mon, guys, give him a standing ovation for his performance!" at lahat nga'y nagsitayo habang malakas ang palakpakan para sa yumaong young actor.
Natapos ang necrological services sa pamamagitan ng pag-awit ng mga La Sallian high school alumni ng "Hail To De La Salle," ang kanilang alma mater hymn. "In keeping with the La Sallian tradition of honoring our beloved La Sallian"—none other than showbiz's good guy, AJ Perez.
Source: www.pep.ph