Kung dati ay sinasabi ni Rima Ostwani na hanggang hosting lang siya, ngayon ay sumabak na rin ang ex-girlfriend ni Diether Ocampo sa pag-arte. Si Rima ang leading lady ni Jolo Revilla sa Agimat Presents Kapitan Inggo, ang afternoon action series ng ABS-CBN.
Sa panayam sa kanya ni KC Concepcion sa The Buzz kahapon, February 6, ikinuwento ni Rima kung bakit sumabak na rin siya sa pag-arte.
"Actually, sobrang overwhelmed ako. One day, out of nowhere, I got a call from Tito Boy [Abunda, Rima's manager]. He told me about the project Agimat: Kapitan Inggo and he said, ABS-CBN was interested in getting me as one of the cast."
Was she handpicked?
"Parang gano'n," sagot ni Rima. "Nagulat po talaga ko. Actually, it was really a leap of faith.
"It was a leap of faith because it's something that I thought hindi ko po kaya. Siyempre naman po, hindi po madali, mahirap po siya. It needs a lot of strength po and confidence. Yun, talagang kinakabahan po ako.
"But Tito Boy was so supportive and that's the reason, he gave me courage to say, 'Okay, this is an opportunity. Let's grab it.'"
Ano ang naging preparation ni Rima sa pagsabak sa pag-arte?
"Honestly po, wala pong acting experience," pag-amin ni Rima.
"This is my first acting job experience. Nag-workshop po kami ni Jolo. That was a very good experience and initiation for me. Kasi, we're preparing for our taping. Marami pong exercises."
Ayon kay KC, nakaka-tense ang workshops dahil hahalungkatin ang buong buhay mo.
"Yes, naiyak ako," pagsang-ayon naman ni Rima.
Napag-isipan na ba ni Rima ang consequences ng pagpasok niya sa showbiz?
"Oo naman po," sagot niya.
"Parte po ng show business ang mga intriga. And, mahirap po ito. Kaso lang, you really have to be strong."
Ang unang intriga raw kay Rima ay ang pagkuwestiyon sa pagpasok niya sa showbiz, lalo na sa pag-arte. Ano ang masasabi niya rito?
"Ang masasabi ko lang po is that it's really a leap of faith for me. It's something I thought I cannot do. But I promise to give my best and I really hope na susuportahan n'yo po ako."
Sino-sino pa sa Kapamilya actors ang gusto niyang makatrabaho?
"Actually, first project ko po ito. So, kay Jolo muna. Pero in the future po, kung mabigyan po ako ng chance na makatrabaho ko po ang ibang artista, that would be an honor po," sabi niya.
Ano ang mga challenges o pagsubok na sa tingin niya ay haharapin niya ngayong pumasok na siya sa showbiz?
"Feeling ko po, malaking adjustment po yung schedule. Yung working hours. Sanay po ako sa office hours. Kaya yung pag-aartista po, it's really, completely a different story and it's the dedication and passion that will drive you. "
Handa ba si Rima na i-share ang personal life niya sa publiko?
"Honestly, sa tingin ko po, siyempre it's the right of the audience, the fans, the supporters, to know what's going on sa buhay ng artista," sabi niya.
Kumusta naman ang pagsasalita niya ng Tagalog?
"I'm trying my best po sa Tagalog. I'm really trying my best po.
"In fact, yung first material na nabasa ko, which is completely Tagalog, yung script namin, talagang binasa ko po yun cover to cover, kasi gusto ko rin pong ma-improve yung Tagalog ko."
Bilang dating girlfriend ni Diether, in a way ba ay naimpluwensiyahan siya ng aktor kaya pumasok din siya sa showbiz?
"Actually, malaking adjustment po yun para sa akin. Kasi, private person po ako noon. Noong nakikita ko po yung buhay niya, siyempre, parang ibang-iba po yun for me. Mahirap ang buhay-artista at nakikita ko po yun sa kanya," sagot ni Rima.
Na-prepare siya?
"Na-prepare in a way, I got a sneak peak on what it is, but I'll have more challenges to face."
Nagkita na ba sila ni Diether sa ABS-CBN compound?
"Kapag nagkita kami... Amicable naman po ang breakup namin, yung pahihiwalay namin. May sari-sarili kaming buhay ngayon, kanya-kanyang buhay. Pero kapag nagkita kami, I'm very confident that, of course, we would say hi."
Is she driven to be known as Rima Ostwani and not the ex-girlfriend of Diether Ocampo?
"Yes, of course," sagot niya. "Who wouldn't want to be known as themselves, right?
"But I know, it's something you have to earn and that's why po, I'm here, I'll work hard for it."