Handang handa na ang mga artista ng Star Magic sa pangunguna nina Piolo Pascual, Angelica Panganiban, John Lloyd Cruz, Kim Chiu, Enchong Dee at Gerald Anderson para sa nalalapit na ikalawang Star Magic Games sa July 31.
Sa pakikipagtulungan ng ABS-CBN Cable Channels and Print Media Group, isang pukpukang laban sa pagitan ng apat na teams na maglalaban sa baskbetball, volleyball, dodgeball, fun games at marami pang iba. Ang main event ng Star Magic Games ay basketball game kung saan maglalaban ang Star Magic Team at ASAP Rocks Team. Siguradong mahigpit at pukpukan ang labanan ng Star Magic Team nina Rayver Cruz, Xian Lim, Ejay Falcon, Jason Abalos at Gerald Anderson laban kina John Prats, Gab Valenciano,Vhong Navarro, Gary Valenciano at Martin Nievera ng Star Magic Rocks Team.
Sina Carlos Agassi, Drei Felix, JM de Guzman at Joem Bascon ang mga team captain ng basketball samantalang sina Bettinna Carlos, Dionne Monsanto, Cherry Lou at Angelica Panganiban sa volleyball.
Ang mga Star Magic kids na sina Zaijian Jaranilla at Xyriel Manabat ay dalawa lamang sa makukulit na bata na lalahok sa mga fun games. Sina Julia Montes at Kathryn Bernardo ang mga liders ng pre-teens division na maglalaro sa mga iba’t ibang games.
Mistulang isang holiday ito para sa mga artista ng Star Magic dahil lahat ay mag-eenjoy at makiki-bonding sa mga kapwa artista.
Let the games begin in the 2nd Star Magic Games!