Tuloy tuloy ang pagpapakita ng galing ng Pinoy dahil muling hahalughugin ng ABS-CBN ang bansa para hanapin ang pinakanatatanging acts na maglalaban-laban sa ikatlong edisyon ng “Pilipinas Got Talent.”
Mahigit 40 probinsya mula Luzon, Visayas, hanggang Mindanao ang sinuyod ng PGT team kung saan libo-libo ang nag-audition. Sinadya talagang puntahan ng programa ang mga hindi pa napupuntahan lugar sa bansa para maghanap ng talento.
Nagbunga naman ang kanilang paghahanap dahil marami acts ang hindi lang nagpabilib, kung hindi mas nangabog, mas nagpatawa, at mas umantig pa sa puso ng mga host at mga hurado.
Ngayon pa lang excited na ang Big Three judges at ipinahayag ang kanilang saloobin sa back-to-back airing na ito ng nangungunang talent-reality show sa bansa.
“PGT went the extra mile in Season 2 kasi marami tayong pinuntahan. In Season 3, triple pa yung lugar kung saan tayo nag-scout ng talent. Yun yung inaasahan ko sa Season 3 na kahit saang sulok ng Pilipinas we’ve got talent,” sabi ng Queen of all Media na si Kris Aquino.
“I am happy with the outcome of Season 2 as we really found somebody who is realty amazing in the person of Marcelito. In Season 3, I hope our grand winners will give inspiration to people who’s got talent to come forward and really show what they can do for our country,” sabi naman ng tinaguriang ‘the expert’ na si Freddie M. Garcia.
Payo namang ang ipinahayag ng Comedy Concert Queen at huradong si Ai Ai Delas Alas.
“Galingan ninyo kasi kung hindi niyo gagalingan lalamunin kayo ng ibang napakahusay na contestants ng PGT 3. Agaw buhay dapat at lahat ng ugat sa katawan niyo buhayin niyo,” sabi niya.
Ito ang pinakaunang pagkakataon saan man sa mundo na dalawang magkasunod na edisyon ng Got Talent franchise ang eere sa telebisyon.
Kamakailan nga ay kinilala pa lang bilang ikalawang grand winner ang tinaguriang male diva na si Marcelito Pomoy ng Imus, Cavite. Pumangalawa sa kanya ang tapdancing brothers na Happy Feet at sumunod ang mapangahas na breakdancers na Freestylers.
Sino kaya ang magwawagi sa edisyong ito at magkakamit ng P2 milyon?
Huwag palalampasin pagpapatuloy ng pangarap, pagpapakita ng galing, at pagkamit ng tagumpay ng mga Pilipino sa “Pilipinas Got Talent 3, tuwing Sabado, 9 PM, at Linggo, 8:30 PM, kasama sina Luis Manzano at Billy Crawford bilang hosts, sa ABS-CBN.