Jodi Sta. Maria Inspired by her Teleserye

Katulad ng isang ordinaryong mamamayan, marami pa ring pangarap si Jodi Sta. Maria na nais niyang matupad. Ibinahagi ni Jodi sa isang panayam na nakadagdag ang “100 Days to Heaven” sa pagbibigay sa kanya ng pag-asa na isang araw ay makakamtam din niya ang kanyang mga ninanais sa buhay.

“Bawat taping day namin, kahit alam naming may times na nakakapagod, magaan pa rin sa pakiramdam. Iba kasi siguro kapag tinuri mong blessing yung isang opportunity,” pahayag ni Jodi.

“Noond dumating sakin itong opportunity na ‘to, ang maging part ng ‘100 Days to Heaven’ alam ko na marami akong matututunan kung gagawin ko itong proyektong ito,” kwento ni Jodi. “katulad ng iba, I still have dreams to pursue and laking tulong ng ‘100 Days to Heaven’ sa pagbibigay sakin ng hope na makakamit ko rin yun lahat,” dagdag ng aktres.

Pangarap ni Jodi ang maging isang doktor. At step-by-step ay ginagawa niya ang mga dapat gawin upang makamtan ito. "Alam kong hindi magiging madali because I'm working and we all know how demanding how school and work can be. But yun ang challenge para sa akin, para matapos," ani Jodi.

Samantala, sabay sa dumadagdag na pag-asa ni Jodi ay ang walang kapantay na ratings ng “100 Days To Heaven.” Ayon sa Kantar Media noong Martes (June 14), nanguna sa top 20 programs nationwide ang nasabing ABS-CBN primetime series na nakakuha ng 34% na national rating. Dinaig nito ang “Captain Barbell” ng GMA 7 na nakakakuha lamang ng 13.7% na national rating.

Mapapanood ang “100 Days To Heaven,” Lunes hanggang Biyernes sa ABS-CBN pagkatapos ng “TV Patrol.” Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com,www.100daystoheaven.tv, www.facebook.com/100daystoheaven o sundan ang abscbndotcom sa Twitter.

Source: www.abs-cbn.com