sang malungkot na balita para sa showbiz industry dahil sa pagpanaw ng 18-anyos na aktor na si AJ Perez o Antonello Joseph Perez sa totoong buhay, dahil sa isang aksidente na naganap noong gabi ng April 16 dakong alas-11:45 ng gabi. Galing ang batang aktor sa sa Pangasinan para sa Kapamilya Caravan dahil sa Bangus Festival sa nasabing probinsiya. Kasama ng aktor ang kanyang ama, dalawang road managers, isang event marshall at ang driver.
Ayon sa report, binabagtas ng grupo ni AJ na nakasakay sa ABS-CBN van ang national highway sa Rosales, Pangasinan nang mag-overtake ang kanilang van ng isang trak. Subalit pagka-overtake ay may kasalubong palang isang bus at tumama ito sa kaliwang bahagi ng van kung saan nakapuwesto ang aktor. Natutulog daw ang aktor nang maganap ang aksidente. Bukod sa aktor, wala naman ibang nasawi at hindi naman naging matindi ang pinsala ang natamo ng ibang kasamahan niya.
Nang isugod daw sa pinakamalapit na pagamutan ang grupo sa may Paniqui, Tarlac, sinubukan pa raw i-revive si AJ subalit idineklara na siyang dead on arrival dahil sa multiple head injury. Ang mga labi ng aktor ay nasa La Salle Greenhills, San Juan kung saan siya nag-aral. Recently ay naka-graduate na ang binatilyo sa high school at nag-celebrate ng kanyang birthday last February.
Naglabas ng official statement ang ABS-CBN bilang pakikiramay sa pamilya ng aktor at patuloy na tumutulong sa kanila. "Kapamilya talent AJ Perez passed away early this morning after being rushed to a hospital in Tarlac. Together with his father, two road managers, a driver and an event marshal, they met a vehicular accident on their way back to Manila after a provincial show. ABS-CBN symphatizes with AJ's family on his untimely demise and urges everyone to pray for the eternal repose of AJ's soul and for the family and loved ones he left behind."
Nagbigay din ang head ng Star Magic na si Mr. Johnny Manahan ng kanyang pahayag ukol sa trahedya. “AJ’s death comes as a shock to all of us. We are saddened that he was cut down at such a tender age. We share the deep felt sorrow of his family and we will miss him.”
Samantala matapos ang show nina AJ sa Pangasinan ay nagawa pa ng The Buzz na makapanayam ang binata ilang oras bago mangyari ang aksidente. Kuwento pa ng aktor, may upcoming Maalaala Mo Kaya episode siya na ipapalabas sa katapusan ng Abril. “Kuwento (ito) ng dalawang magkapatid and ‘yung bond nila. Kuwento ng pagmamahal sa isat-isa at ‘yung struggle nila from having to move from Manila all the way to Samar,” anang binata sa panayam.
Nagbahagi pa nga ng pasasalamat si AJ sa mga fans na patuloy na sumusuporta sa kanya at sinabing sa pamamagitan ng ilang social networking sites ay nagri-reach out siya sa mga ito. Nang pauwi pa nga si AJ ay nagawa pa niyang mag-tweet ng mensahe sa kanyang Twitter account, na magiging huling mensahe pala niya. “On the way home already from Dagupan. Long drive ahead. Thanks to everybody who watched.”
Sobrang apektado naman si Jessy Mendiola sa pagpanaw ni AJ. Nagkatrabaho ang dalawa sa teleseryeng Sabel at naging close. Sa panayam ni Jessy ay sinabi niyang hindi siya makapaniwala na wala na ang dating leading man niya. “Nakita ko lang siya nung isang araw ang saya-saya namin tapos wala na siya,” ma-emosyunal na pahayag ng aktres. “Sobrang puro good words lang meron siya para sa akin. Ine-expect namin anytime dadaan siya, maghe-hello, magha-hi, magsi-smile sa amin. Parang ang hirap lang tanggapin na wala siya,” naiiyak na pahayag ni Jessy. “Pare, sana maging masaya ka na d’yan. Mahal na mahal ka namin at mami-miss ka namin sobra.”
Source: www.push.com.ph