"He will be missed. His journey ends and may he rest in peace."
Malungkot ang pananalita sa text message ni Direktor Dado Lumibao, ang isa sa pinakahuling nakatrabaho ng yumaong aktor na si AJ Perez sa ABS-CBN.
Ito ay sa pamamagitan ng Maalaala Mo Kaya (MMK), a weekly drama anthology.
Kasalukuyang nasa Manila Memorial Park si Direk Dado nang matanggap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang kanyang mensahe kahapon ng umaga, April 26—ang araw kung kailan hinatid sa kanyang huling hantungan si AJ.
"We're here as he goes to his final journey," saad ng direktor sa kanyang text message.
Kasama rito ng yumaong young actor ang child star na si Bugoy CariƱo.
Unang nagbalita sa amin tungkol sa MMK episode ang direktor na si Don Cuaresma, who handled AJ Perez sa katatapos lang na teleseryeng Sabel. Si AJ ang isa sa leading men ng bida ritong si Jessy Mendiola; the other one being Joseph Marco.
"He was so excited with his MMK," sabi ni Direk Dado, who regretted about AJ's passing away bago ito maipalabas.
"Sana maraming manood at sumuporta alang-alang kay AJ."
Sina Cuaresma at Lumibao, sa teleserye at weekly drama anthology episode, respectively, ang dalawa sa mga huling direktor na nakatrabaho ng late young actor.
"He was such a dedicated actor. At totoong mabait," dagdag na pagpupuri pa ni Don habang ginagawa nila ang nasabing teleserye.
Source: www.pep.ph