Bea Alonzo on Working With Vic Sotto

Bukod sa kanyang ginagawang soap opera with Robin Padilla, ang Guns And Roses, kakatapos lang din ni Bea ng isang pelikula para sa Star Cinema—ang Pak! Pak! My Dr. Kwak! with Vic Sotto.

First time nilang magkasama ni Vic. In The Buzz yesterday, Toni Gonzaga asked Bea how was it working with the Box-Office King?

"Sobra, I had a blast!" bulalas ni Bea. "Talagang hindi ko makakalimutan sa buhay ko ang pakikipagtrabaho sa kanilang lahat. Nami-miss ko na agad. Senti mode!"

Ayon kay Toni, sanay sila na katrabaho ang Kapamilya stars. Pero sa pelikulang ito, ang nakatrabaho ni Bea ay ang mga Dabarkads na sina Wally Bayola at Jose Manalo, bukod kay Vic.

Sabi naman ni Bea, "Ito yung mga taong hindi ko nakikita palagi sa hallway ng ABS. Ibang kultura. Ibang experience. Almost all of them, comedians. So, walang dull moments sa set. Masaya at saka mami-miss ko yung mga dinners namin every shooting day."

First time na sumabak ni Bea sa comedy. Kinabahan ba siya working with Vic?

"Hindi, ini-enjoy ko," sagot ng young actress.

"Ako naman, hindi naman ako dumaan doon. Parang first day pa lang, sobrang comfortable na. Sobrang warm na nila. Sobrang nag-enjoy. Kaya siguro ang bilis naging close. Ang bilis kong naging attached sa kanila."