Last April 11, Push.com.ph got the chance to visit Ai-Ai de las Alas on the set of Maalaala Mo Kaya. The comedian-actress was inspired to be at her best dramatic performance since it’s scheduled to air for the Mother’s Day presentation next month. “Napaka-blessed ko at natutuwa naman ako sa staff ng MMK at kay Ma’am Charo (Santos-Concio, host of the show) kasi sa tuwing Mother’s Day ako ang kinukuha nila. Special occasion yun, napakaimportante sa akin dahil siyempre tayo naman talagang sine-celebrate natin ang Mother's Day. So napalaki ng pressure lalo na kung nabibigyan ka ng malalaking eksena so inisip ko kailangan galingan ko kasi special ito,” she began.
The fact that she was working with co-stars like John Arcilla further challenged her to deliver her lines really well. “Ay oo, siyempre given talaga na magaling si papa, si John Arcilla ay isa sa mga magagaling nating artista. Kailangan pantay lang kami, hindi ako pwedeng magpakabog kay papa ‘di ba? Napakahusay nun, kakainin ka nun ng buhay kaya kailangan huwag ka magpakabog sa aktingan. Tapos meron kaming tatlong anak. Si John Wayne Sace, Lester Lansang at si BJ Forbes (more popularly known as Tolits). Magagaling ang mga bata kaya hindi kami nahirapan kapag kami-kami ang magkakaeksena.”
Although she felt exhausted by her heavy scenes, Ai-Ai said it’s good to be doing drama instead of her usual comic stints. “Open talaga ako mag-heavy drama. Kung nage-expect ba ako magka-award para dito? Aba, bakit naman hindi? Kung manalo ako ng award, first time ko kung sakali na maka-receive ng award for MMK. Siguro sa 12 years ko in showbiz, pinakamabigat ko ito. Nagdadasal nga ako na sana magaling ako dito at better ako sa lines. Yung story kasi, tungkol siya sa isang pamilya na sobrang laking dagok ang dumating sa buhay nila. Kung sa totoong buhay nangyari sa akin yung nangyari sa character ko dito, wala na, patay na rin ako, hindi ko na kaya,” she added.
Source: www.push.com.ph