ABS-CBN contract stars have shared their plans and destinations this Holy Week.
Some said they will be spending most of the week with their family, while others will still continue to work.
Below are the plans of some celebrities this Lenten season.
"Plans for Holy Week? Good Friday nasa Sto. Domingo ako for the ‘7 Last Words.’ And then Easter Sunday, somebody is inviting me for radio tour. So, ‘yon pa din. I have to be visible and be heard sa Easter Sunday, kasi that's my calling." -Jaime Rivera
"’Yong exact Holy Week nandoon kami sa New York. First time ko sa New York, tapos magkakasama kami so sobrang excited ako. Sa summer naman sana makarating ng beach at somewhere na malamig." -Enchong Dee
"Holy Week siguro nandoon din sa States sabay sa US tour namin. Doon na din ako magbabakasyon." -Kim Chiu
"Ngayong Holy Week and summer ay may trabaho po. Pupuna kami ng States para mapasaya ang mga kapamilya namin doon." -Erich Gonzales
"Probably nasa US tour pa kami. I think nasa New York kami ng time na ‘yon. [Sa summer] magi-start na kasi ng work pero kung may time baka makalipad ng Boracay, kung ano ang kakayanin. Beach person naman kasi ako, pero sana may time kahit ilang days lang na makapag-beach." -Angelica Panganiban
"This Holy Week pupunta kami ng States, lahat kami, Star Magic World tour. Doon kami magce-celebrate ng Holy Week kasama ang ibang Pinoys. ‘Yon na din ang bakasyon namin sa summer, doon kami magpapasyal at magsho-show kami para sa mga Pinoy. -Gerald Anderson
"Ang nalaman ko ay punong puno ang schedule ko hanggang Christmas pa so wala akong panahon para magbakasyon." -Sam Milby
"Christian ako…. Pero hindi lang naman sa Holy Week lang, ‘yong reflection ginagawa all the time at ‘yong repentance, ‘yong respeto sa lahat." -Yeng Constantino
"Swimming paikot-ikot, pagbibigyan ang mga matatanda. Siyempre magdarasal, bonding with the family." -JM de Guzman
"Maga-out of town kasama ang mga kaibigan ko at saka pamilya." -Vice Ganda
"This Holy Week kakauwi lang ng brother ko from the States so mag-iikot kami sa Philippines for the short break that I have. Baka mag-La Union kami, Baguio ganyan, all-around." -Lauren Young
"The whole family, we go to Sto. Nino church, magla-light ng candle. The whole family we go to church, kakain sa gabi, tapos the next day sa beach kami the whole time." -Enrique Gil
"Sa Holy Week ang mommy ko ayaw niya kaming lumalabas tapos hindi kami kumakain ng karne. Sa bahay lang kami, ‘yon kasi ang nakaugalian namin. Bisita Iglesia at magre-repent." -Cristine Reyes
Source: www.abs-cbnnews.com