Willie Revillame Strikes Back to Stars Condemning Him

Nagbigay si Willie Revillame ng mga paghamon sa mga artista na bumabatikos sa kanya. Aniya, dapat tumulong na lang ang mga nasabing artista sa mga mahihirap imbes na magbigay-puna.

Ilan sa mga artistang nagbigay ng kanilang reaksiyon sa pamamagitan ng Twitter ay sina Lea Salonga, Aiza Seguerra, Jim Paredes, Kat de Castro, Bianca Gonzalez, at Monique Wilson.

Banta ni Willie, maraming magagalit sa mga artistang ito kapag inisa-isa niya ang kanilang mga pangalan.

"At dun sa mga artistang nagti-tweet sa akin, tumulong na lang kayo sa inyong mga kababayan. Wag na kayong magsasalita sa tweet niyo. Hindi ko na ipapakita 'yang mga pangalan n'yo.

"Kasi pag binanggit ko sa inyo, maraming magagalit sa inyo. Maniwala kayo sa akin. Maraming magagalit sa inyo kapag binanggit ko ang pangalan n'yo. Wag na kayong mag-tweet; pare-pareho tayong nasa industriya."

Binantaan niya rin ang isang singer na hindi niya pinangalanan.

"Mag-concert ka, kung sino ka man, nang libre, at yung perang kikitain mo, ibigay mo. Okay? Yun ang dapat mong gawin. Wag kang magtutu-tweet.

"Sa ibang artista, magkakasama tayo rito, ha? Saka alamin n'yo muna yung ginagawa ng programa. Hindi namin kailangang ipakita on-air o off-air lang. Marami kaming ginagawang kabutihan sa ating mga kababayan."

Bukod pa rito, nagbigay rin si Willie ng banta sa mga advertiser na balak i-boycott ang kanyang programa.

"Tapos yung iba, sumulat na sa mga sponsors namin, sa advertisers. Ang gusto nila, mag-boycott ang advertisers. Napakasakit na po ng ano, e, umaabot na ho sa ganun, na bino-boycott yung problema...

"Alam n'yo ho, pag binoycott kami ng advertisers, yung mga nagmamahal naman sa amin, hindi nila bibilhin ang produktong 'yan? Pag sina... Di ba? Hindi ho, e. Hindi naman ganun ang labanan dito."

Agad na pinalakpakan ng studio audience ang pahayag na ito.

Sa bandang huli, nagbigay si Willie ng konkretong hamon sa kanyang mga tagapagbatikos.

"Ngayon, kung tatanggalin n'yo ang programa, pinipilit n'yo kaming mawala sa mundo. Sana kayo ang sumagot sa mga pangangailangan ng mga taong mahihirap na mga ito. Di ba?" saad niya.

Its so sad that Willie Revillame sees himself as the saviour of the poor people and uses TV medium in showing his harsh attitude.