
“Nakakatuwa and at the same time ay nakakalungkot kasi mami-miss namin si Bea pati ’yung mga bata at lahat ng nakasama namin sa pelikula. Hindi mo mapapansin na tumatakbo ang oras kapag masaya kayo sa trabaho,” pahayag ni Bossing Vic.
“It’s been fun working with everybody. Ipinakita nila sa akin na komportable ako. They’ve been so warm to me. Talagang nilu-look forward mo each shooting day para lang makasama silang lahat. Makipagtawanan sa kanila, share experiences with them,” nakangiting pahayag naman ni Bea. Samantala, masaya rin si Bossing Vic sa naganap na reconciliation sa pagitan nina Pokwang at Joey de Leon kamakailan.
“Wala naman iyon, konting tampuhan lang. Si Pareng Joey, matampuhin din ’yun, emotional na comedian eh. Inimbita ko siya na mag-guest sa pelikula, hindi naman ako nagdalawang salita sa kanya kahit na alam niyang magkikita sila ni Pokwang. It was the day after ng shooting, ikinukuwento niya sa lahat ng Dabarkads. ‘Uy! Nagkita kami ni Pokwang.’ Umiyak ganyan, ikinuwento niya lahat, so all is well that ends well,” kuwento pa ni Vic.