
Hindi nagbigay ng pahayag si Cristine last week dahil minabuti raw nitong huwag magbigay ng detalye tungkol sa nangyari. “Ayoko na, masyadong showbiz. Huwag na nating haluan ng pagka-showbiz yung pagbabati namin kaya mas minabuti kong huwag munang magpa-interview. Masaya ako, iwan na lang natin ‘yun doon. Maging masaya na lang kayo para sa amin,” makahulugang pahayag ni Cristine.
Samantala, May balak daw sila ni Rayver Cruz na panoorin ang pelikula nina Sarah at Gerald Anderson na Catch Me, I’m In Love kung magkakaroon sila ng panahon. “Napanood na siya ng pamangkin ko kasi favorite siya (Sarah) nun. Kapag nagkaroon ng time, medyo busy and hindi rin kami (Rayver) masyadong nagkikita ngayon,” dagdag pa ni Cristine.
Excited ngayon si Cristine para sa bago niyang leading man sa gagawin niyang teleserye. “Abangan ninyo ang aming bagong teleserye, drama series po ito. Ayaw ko munang i-reveal kung sino’ng makaka-partner ko. Abangan ninyo kung sino ang bago kong makaka-loveteam. Na-excite din akong maka-trabaho siya. Doon sa workshop, mas nakilala ko siya, mas naging kumportable na ako,” kuwento pa ng aktres.
Source: www.push.com.ph