Sa ikalawang bahagi ng two-part Cebu special episode ng ‘The Bottomline with Boy Abunda,’ ihahatid ang malalim, malaman at interesanteng pakikipagkuwentuhan sa isang world-class and Cebu-based furniture designer na si Kenneth Cobonpue.
Mula sa kanyang kabataan at humble beginnings sa pagdi-desenyo ng mga furniture, ibabahagi ni Kenneth ang kanyang mga mahahalagang natutunan. Bibigyang kulay at buhay ni Kenneth ang kanyang mga pinagdaanan at kung paano niya namana sa kanyang mga magulang ang talento at sipag sa paggawa ng mga world class furniture na tinatangkilik ng mga bigating personalidad sa iba’t ibang bansa gaya ng mga Hollywood A-list celebrities na sina Brad Pitt, Angelina Jolie, Lucy Lui, Robert de Niro, Vince Vaughn at marami pang iba.
Nagbahagi din ng ilang kuwento si Kenneth tungkol sa kanyang lovelife, hobbies, collections, at iba pang mga interest. Matapang niya ding sinagot ang isyung gumagawa na siya ngayon ng aksyon laban sa isang Cebu-based furniture designer na kumokopya ng kanyang mga obra.
Pati ang Bottomliners na mula mismo sa Cebu ay nagbato rin ng kanilang matatapang at walang prenong mga tanong patungkol sa karera, buhay pamilya at pag-ibig ni Kenneth. Kung gagawa ng isang obra si Kenneth para kay President Benigno Aquino III, ano kaya ang magiging itsura nito? Ano ba ang iniisip ni Kenneth kapag lumilikha siya ng isang silya? O mesa? Iniisip ba niya kung sino ang bibili nito? Meron bang kahinaan ang isang Kenneth Cobonpue?
Sabay-sabay nating kilalanin ang naturang world class artist ngayong Sabado ng gabi sa The Bottomline with Boy Abunda, pagkatapos ng Banana Split dito lang sa ABSCBN.