Ngayong Sabado sa bagong “The Bottomline with Boy Abunda,” Cebu Governor Gwen Garcia may mga pakakawalang rebelasyon tungkol sa kanyang buhay sa kauna-unahang pagkakataon!
Babalikan nina Boy at Gwen ang kuwento ng kanyang buhay mula sa kuwentong pamilya hanggang sa usaping pampulitika. Tatalakayin ni Boy ang mga pinagdaanan ni Gwen para marating ang kanyang estado ngayon. Buong puso, buong tapang at buong katapatan niyang ilalahad ang kanyang pinagdaanan.
Sa kanyang pagtapak sa huling termino bilang Governor, may plano ba siyang tumakbo sa senado o di kaya’y asamin ang posisyon sa pagka-Presidente ng Pilipinas? Masasabi ba niyang naging mahusay siyang Governor? Paano ba niya tinatanggap ang mga kritisismo? Ano ang kanyang saloobin hinggil sa Provincial Ordinance 93-1, tourism branding sa Cebu bilang independent island at sa Ella Joy case? Napipikon ba siya sa tuwing ikinukumpara siya kina Gloria Macapagal Arroyo, Imelda Marcos at Evita Peron? Kamusta ang relasyon niya ngayon sa nakaalitang kapatid na si Winston Garcia? Sino nga ba ang nagpapatibok sa puso ni Gwen?
Mainit, matapang at malalim na talakayan na naman ang inyong masasaksihan ngayong Sabado sa “The Bottomline with Boy Abunda” pagkatapos ng primetime telecast ng Banana Split sa ABS-CBN.