Nakatanggap ang Azkals ng monetary share sa TV coverage ng ABS-CBN para sa qualifying match nila laban sa Mongolia noong February 9 sa Bacolod City.
Ayon sa report ng Manila Bulletin kahapon, March 7, P500,000 ang kabuuang halaga na natanggap ng team.
Ang nasabing nahalaga ay bahagi ng deal sa pagitan ng Philippine Football Federation (PFF) at ng ABS-CBN. Ito ay bayad para sa broadcast rights na ibinigay sa Studio 23 ng Kapamilya network.
Ayon sa agreement ay makakatanggap ang Azkals ng fixed amount na P500,000 sa mga laro nila sa AFC Challenge Cup laban sa international teams saan man dito sa Pilipinas. Ngunit kung ang laban ay sa labas ng bansa gaganapin, kalahati lamang ng P500,000 ang makukuha ng team.
Ito ang mangyayari sa nalalapit na laro ng Azkals sa March 15 para sa second leg ng game nila kontra Mongolia na gaganapin sa Ulan Bator, Mongolia.
Ang perang makukuha mula sa TV coverage ay diretsong pupunta sa mga miyembro ng Azkals at sa coaching staff nito, hindi tulad ng P80 million at P21 million na 10-year pledge ng Smart at Air21 na gagamitin ng PFF sa iba nitong mga programa.
Umalis ng bansa ang Azkals papuntang Japan kahapon, March 7, para sa huling training nila.
"It will help them get used to play under harsh conditions," sabi ni Dan.
Gagamitin ng team sa training ang facility na pag-aari ng Japanese Football Association sa Fukushima.
Nakatala ang temperature sa Ulan Bator ngayon, March 8, sa -16 C. Habang ang temperatura naman sa Fukushima, Japan ay nasa -5 C.
Maglalaro ang National Football Team sa Ulan Bator, Mongolia sa March 15 na wala ang goalie na si Neil Etheridge; pati na sina Rob Gier at Chris Greatwich dahil sa mga personal nilang commitments.
Source: www.pep.ph