ASAP Rocks Cebu

Hindi na mapipigilan ang di mapantayang saya na dulot ng ASAP ROCKS Nagsimula sa Baguio, yumanig sa Iloilo at nagpabuhos ng tuwa hanggang Davao - libu-libo ng kapamilya ang nakiparty! Ngayon, ang pinakamalaki at pinakamasayang kapamilya summer reunion hindi na papaawat as all roads lead to Cebu!

Maki summer kapamilya reunion na buong kabisayaan at buong mundo dahil ngayong linggo Asap Rocks Cebu – live na live sa March 27, Sugbu Grounds, South Road Properties Cebu City!

Sugod na at makisaya kasama ng buong asap all star kapamilya! Naguumapaw sa mga pinakaaabangang surprises at performances mula sa pinaka malalaking bituin ng Kapamilya Network!

Di mapantayang concert kantahan kasama ng ASAP Champions, ASAP Sessionistas, ASAP Acoustic Republic, StarPower 4, Martin Nievera, Zsazsa Padilla, Vina Morales and Gary Valenciano!

Makihataw kasama ng Supahdance Krew, Supahkids, Dance Squad, XB gensan, At G Force! May mga pasabog ang mga pinakamalalaking bituin Jericho Rosales, Gerald Anderson, Enchong Dee, Kim Chiu, Melai, Venus Raj at mga naglalakihang surprise guests!

Makikireunion din kasama ang mga pinakamainit na Primetime Bida stars na Mutya, Mara Clara, Minsan lang Kita Iibigin! Imortal at Green Rose! Makikihataw din sa saya ang cast ng newest teleseryes na Maria la del Barrio, Good Vibes at Mula sa Puso!

Plus! Abangan ang isang napakasayang pasabog as ASAP Rocks welcomes the Summer of 2011, ito na ang bidabest na tag-araw ng kapamilya!

Sugod na kapamilya sa ASAP Rocks Cebu at free admission ito ngayong Linggo na March 27, 12:15!