JM de Guzman on His Big Break

Unang napansin si JM de Guzman bilang kapareha ni Kristel Moreno sa short stint niya sa Kristine series ng ABS-CBN.

Dahil sa role niya bilang Nathaniel Fortalejo, nakilala siya bilang isang mahusay na aktor.

Inakala ng lahat na bago lang sa showbiz ito. Si JM ay Batch 9 ng Star Magic pero ngayon lang siya nabigyan ng pagkakataon.

"Matagal din akong naghintay, 14 years. Nakatikim din ako ng rejection. Nakasali ako sa Star Circle Batch 9 pero di ako na-launch. Natikman ko rin lahat ng pinagdaanan ng mga artista, yung hirap. I took everything as a challenge," kwento ni JM.

"Kung alam mong darating, darating yan. Kung wala pang dumarating sa iyo, gamitin mo yung time to improve yourself. I finished my studies sa Theater Arts in UP Diliman.

"Regarding sa favoritism issue, I am sure and confident na pinaghirapan ko ito. Diyos lang ang pinaniniwalaan ko. In-expect ko na darating ang oras na ito. Nakita ako ni Direk Lauren [Dyogi] sa indie film, pinag-audition niya ako. Pinakita ko naman na karapat-dapat ako so wala akong dapat ikabahala."

Sa sunud-sunod na puyat at pagod dahil sa taping, kapalit nito ang popularidad na tinatamasa niya ngayon. Napaghandaan na ito ni JM kung kaya't ine-enjoy niya ang dami ng trabahong dapat niyang gawin.

"Masaya kahit nakakapagod, ine-enoy ko yung pagod kasi hiningi ko ito. Nararamdaman ko yung hirap pero masarap, enjoy," aniya.

"In-expect ko na ganito ang magiging mundo ko kasi nag Ang TV 2 din ako dati. Marami rin akong friends na taga-showbiz, so medyo may clue na ako kung ano ang mundo dito. Saka naka-focus ang utak ko sa goal ko."

Ano nga ba ang goal ni JM?

"Hollywood. Hindi naman masama ang mangarap. Maganda pag mas mataas."

Isa si JM sa mga baguhan na heartthrob sa dami ng mga nagkaka-crush sa kanya. Sa ngayon ay walang girlfriend ang actor.

"Wala akong girlfriend. Parang ang hirap e, nahihirapan na nga ako sa sked ko, dadagdagan ko pa. Malungkot din pero kaya."

Sino ba sa mga artista ang hinahangaan niya?

"Si John Lloyd Cruz kasi he's very passionate, kitang-kita mo kahit di siya nagsasalita. Nararamdaman mo yun na we share the same passion and kung paano niya trabahuhin yung trabaho niya. Lagi ko ngang sinasabi sa kanya, 'Pare, walang plastikan, idol kita. Tinutularan kita.'"

Ano naman ang masasabi niya short stint niya sa Kristine?

"Masaya ako na malungkot. Medyo bitin kasi half [na ang series nung] nakapasok ako. Malungkot dahil gusto ko pa sanang makatrabaho pa sina Direk Rory [Quintos]. But given the short time na makatrabaho ko sila, ang dami kong natutuhan."

Source: www.pep.ph