Drug Pushers in School on XXX

Bukod sa pagsusunog ng kilay para matutunan ang aralin sa klase, natututo na rin daw ang ilang estudyante sa isang paaralan sa paggamit ng droga!

Iyan ang isiniwalat ng isang tipster na dumulog sa tanggapan ng “XXX” para saklolohan ang tila nalilihis na landas na mga kabataan sa Binan, Laguna.

Isang bahay daw sa pagitan ng dalawang eskwelahan sa kanilang lugar ang diumano’y source at supplier ng marijuana.

Samantala, iimbestigahan din ni Anthony Taberna ang sinasabing missing in action na mga konsehan ng Nueva Ecija habang tutukan naman ni Julius Babao ang paghahanap sa isang lalaking nanlimas ng gamit ng kaibigan na nagkakahala ng halos P200,000.

Lahat ng iyan matutunghayan sa “XXX” ngayong Lunes (Feb 21), pagkatapos ng “XXX” sa ABS-CBN. Mapapanood din ito sa Studio 23 tuwing Huwebes, 9:30 AM.