Sa pagkamatay ni Ret. Gen. Angelo Reyes, lalo pang umingay ang usapan hindi lamang sa imbestigasyon ng kurapsyon sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas kundi sa paraan ng pagtatanong ng mga mambabatas.
Batikos ng ilan, sa halip na maging resonable ang pagtatanong, kadalasa’y nagiging magaspang daw ang tono ng pagtatanong ng mga senador sa mga naimbitahang personalidad.
Ilalahad ni Ron Gagalac ang kuwento sa likod ng nagagaganap na hearing sa Senado. Sino nga ba ang tunay na bida at kontrabida, ang mga mambabatas ba na nag-iimbestiga o ang mga nasasangkot na pangalan? Ikaw mismo ang maghusga sa kaniyang ulat ngayong Martes (Feb 15) sa “Patrol ng Pilipino.”
Samantala, ayon sa tala ng National Statistics Office, bumababa kada taon ang mga nagpapakasal sa Pilipinas. Katunayan, mas mataas pa nga ang naghihiwalay at nagsasama ng walang kasal.
Dadalo si Pia Gutierrez sa isang kasalang bayan upang pulsuhan ang mga magsing-irog na piniling kumuha ng basbas ng simbahan ang kanilang pagsasama. Abangan ang kaniyang report sa “Patrol ng Pilipino,” Martes (Feb 15) ng gabi pagkatapos ng “Bandila” sa ABS-CBN.