
“Ang takaw-takaw nga ni Xian, palagi na lang nanghihingi ng siomai ko,” sabi ng primetime princess ng ABS-CBN na binabalikan ang paggawa ng serye.
Pero kung si Jolo ay sa pagkain kinukuha ang loob niya, si Xian ay tinuturuan siyang tumugtog ng mga musical instrument tuwing break nila. Sa kabila ng effort ng dalawa na makagaanan niya ng loob, inamin ni Kim na closest siya sa Fil-Italian na si Matteo na kapwa niya Bisaya kaya madali silang nagkaintindihan. Ilang beses na rin silang lumabas hindi para mag-date kundi para mag-bonding.
Natawa si Kim nang may magtanong sa kanya kung nagpaalam ba siya kay Maja Salvador para makapareha si Matteo.
“Hindi, bakit naman ako magpapaalam sa kanya hindi naman ako ang kumuha kay Matteo kundi ang produksiyon. I’m sure sinasabi ni Matteo kay Maja kung ano ang mga ginagawa niya kaya aware ito na magkasama kami sa My Binondo Girl,” paliwanag ni Kim.
Palabas na ang My Binondo Girl sa August 22 sa Primetime Bida ng ABS CBN, Lunes hanggang Biyernes sa oras ng Guns and Roses.