Eugene Domingo and Toni Gonzaga's Riot Fun in Wedding Tayo, Wedding Hindi

Sinisiguro nina Eugene Domingo at Toni Gonzaga na gugulong sa katatawa ang mga manonood sa una nilang pagsasama sa pelikulang Wedding Tayo, Wedding Hindi! Iikot sa mga kuwento ng pagpapakasal, ayaw magpakasal, o tatalikod sa kasal, ang pelikula nina Eugene at Toni.



Sabi nga ni direk Jose Javier Reyes, isa itong comedy riot with sense. And with his lead actors, Uge na isang award-winning actress who always tackles her comedic roles with a flavor na s’ya lang ang nag-iisang nakakatimpla and Toni who’s in a league of her own doing roles na s’ya rin lang ang nakakagawa, this is definitely an event movie.



Sa pelikula, magpinsan sina Toni at Uge. Ang isa ay gustong tapusin ang kanyang marriage, at isa naman ay gusto na pakasal.



Tipong excited bride and exhausted wife ang drama ng dalawa.



Kasama rin sa Wedding Tayo Wedding Hindi sina Zanjoe Marudo at Wendell Ramos.