Mistulang fiesta bukas (Hulyo 28) para sa mga Pilipinong football fans dahil ihahatid ng ABS-CBN Sports ang dalawang malalaking laban tampok ang mga sikat na football superstars na sina David Beckham at Thierry Henry at ang sarili nating Philippine Azkals football team sa Studio 23.
Bago pa man sumipa sina Phil Younghusband, Chieffy Caligdong, at Neil Etheridge para sa Azkals laban sa Kuwait, haharapin muna ng mga Major League Soccer (MLS) All-Stars na sina Beckham at Henry ang premyadong koponan na Manchester United ng English Premier League para sa MLS All-Star game ngayong taon.
Ikalawang sunod na pagsabak na ito ng Manchester United Red Devils, sa pangunguna nina Wayne Rooney, sa MLS All-Star Game. Noong 2010, tinalo nila ang All-Stars sa score na 5-2.
Alamin kung makakabawi ang MLS All-Stars sa kanila via satellite mula sa Red Bull Arena sa New Jersey, USA sa Studio 23 ng 8:30am.
Samantala, susubukan ding gumanti ng Philippine Azkals sa Kuwait sa ikalawang leg ng kanilang World Cup Qualifying match bukas din (Hulyo 28) sa Rizal Memorial Stadium naman.
Kailangang bumawi ang Team Azkals sa 0-3 na pagkatalo nila sa unang paghaharap nila sa Kuwait. Malakas naman ang kumpiyansa ng koponan at ng kanilang mga taga-suporta dahil magbabalik na ang mga nasuspindeng player na sina Stephan Schrock at team captain Aly Borromeo.
Abangan ang makasaysayang pag-atake ng Azkals sa Studio 23 ng 5:30pm. Panoorin muli ang kanilang laban sa replays sa Biyernes (Hulyo 29) ng 3pm sa Balls Channel at sa Sabado (Hulyo 30) ng 7am sa ABS-CBN Channel 2.
Tuloy ang football fever sa bansa bukas. Huwag palampasin ang MLS All-Stars vs. Manchester United sa ganap na 8:30am at Azkals vs. Kuwait naman sa 5:30pm sa Studio 23.