Can the Singing Hearthrobs Make It on Pilipinas Got Talent?

Kikiligin na naman ang sambayanan dahil ngayong Sabado (July 30) dalawang heartthrobs ang magpapakita ng kanilang talento at susubukang makuha ang boto ng mga hurado sa nangungunang talent-reality show sa bansa na Pilipinas Got Talent. Ipamamalas ng 18 taong gulang na si Lou Angeline Ulanday ng Balanga, Bataan at 15 taong gulang na si Khalil Joseph Ramos ang kanilang husay sa pagkanta at patutu­nayang hindi lang sila basta maganda at guwapo. Ilang talented heartthrobs na rin ang nakilala sa PGT noong nakaraang mga season tulad ni Markki Stroem at Jem Cubil. Ngayong season three, halos 80 siyudad at munisipalidad sa bansa ang personal na pinuntahan ng PGT para maghanap ng natatanging Pinoy acts. Pumasa naman kaya sina Lou Angeline at Khalil? Alamin ngayong Sabado (July 30) sa PGT 9:00 p.m. sa ABS-CBN.