Albie Casiño and Yen Santos on TV Remake of Problem Child

Mukhang ang remake na nga ng 1980's Regal Movie na Problem Child ni Cherrie Gil ang magiging bagong soap ni Albie Casiño at si Yen Santos na ang kanyang makakapareha. Kaya hindi totoo ang mga balitang lilipat na ito ng ibang istasyon. Na kahit nawalan ng mga projects si Albie ay meron naman palang kapalit.

Nakapagpictorial na raw ang dalawa noong isang araw paat nakaset daw ang TV remake na ito para ipalabas sa Kapamilya Gold. Abangan na lang natin ang mga susunod na anouncements tungkol dito.

Matatandaang noong una pa lamang ay nakaset na si Andi Eigenmann para sa remake ng pelikulang ito sa kanyang pagpirma bilang isang Regal Baby last year. Ngayon naman ay sa TV remake ng sinasabing ama ng kanyang ipinagbubuntis na si Albie.