Policeman Asks XXX for Help

Isang pulis ang dumulog sa tanggapan ng “XXX” dahil sa diumano’y inimbentong mga alegasyon sa kanya sa korte.

Ang nakaalarma pa sa kanyang mga rebelasyon ay maging ang complainant na nagdidiin sa kanya ay inimbento rin.

Talaga namang dismayang dismaya ang naturang pulis sa hustisya at ang masaklap nito pati ilang miyembro ng kanyang pamilya ay dinadamay din.

Ayon sa kanya, kung ang ganitong uri ng kawalan ng katarungan ay nangyayari sa kanya, paano na lang kaya sa mga ordinaryong mamamayan na umaasang maipagtatanggol sila ng batas.

Tunghayan ang buong report ni Anthony Taberna ngayong Lunes (June 13) sa “XXX,” kasama rin si Pinky Webb at Julius Babao, pagkatapos ng “Bandila” sa ABS-CBN.